TULA : KAPE
![]() |
KAPE
Ang pag-ibig ay tulad ng isang kape,
Kay sarap amuyin, kay sarap lasapin,
Kay init, tila ika’y nasa langit.
Sa umaga na kay ganda,
Sya ang laging hanap,
Sya lang sapat nang malanghap.
Sa unang tingin palang ika’y nasasabik,
Tulad ng pagkasabik sa yakap mo’t mga halik,
O kay sarap sa pakiramdam ng ‘yong init,
Init ng pag ibig, init ng 'yong pagsinta.
Ngunit itong kape,
Sa aking pagkasabik, sa aking pagmamadali,
Ako’y napaso na walang kasing hapdi.
Ngunit kahit ilang beses pa akong mapaso,
Hinding hindi ako susuko,
Dahil sa init ng pag-ibig mo’y ako na’y napako.
At kahit lumamig pa,
Ang sarap na dulot mo’y hindi mawawala.
Pag-ibig ko'y sadyang ganyan,
Araw araw aking babalik balikan.
Comments
Post a Comment